Kailan

Akala mo, okay ka na.
Akala mo, naka-move on ka na.
Pero sa oras na ikaw na lang ang mag-isa habang tinitignan ang nakaraan, doon mo mas mararamdaman ang tunay na sakit.
Sakit na akala mong wala na ngunit ito’y sadyang nakabaon lang at wala kang balak hukayin.
Sakit na akala mong hindi mo mararamdaman ngunit ika’y nagkamali.

Ngayon, tanging luha ang nagpapakita kung gaano kasakit ang iyong naranasan sa kamay nang PAG-IBIG.
Ngunit ano pa bang magagawa?
Pag-ibig ay tila naglaho na nang para bang isang bula.
Isang bula na tinangay nang malakas na hangin palayo sa iyo.

Kailan ba?
Kailan ba tatama ang pana ni Kupido sa taong nakatakda sayo?
Nakakapagod magmahal.
Nakakapagod masaktan.
At higit sa lahat,
Nakakapagod nang magtiwala nang paulit-ulit at sa bandang huli’y ikaw pa ang masasaktan.

Kaya pa ba?
Kaya pa bang magmahal nang isang pusong hindi lang wasak kung ‘di durog nang dahil lang sa lecheng PAG-IBIG na yan?

Kailan pa?
Kailan pa darating yung taong nakatakdang ayusin at buuin ang pusong durog at handang turuan itong magmahal ulit.

Handa pa ba?
Handa ka pa bang isugal ang pusong ilang beses nang nasaktan nang dahil lang sa pagmamahal.

Ikaw?
Kailan ka magiging handang kalimutan ang nakaraan at gawin na lamang itong isang leksyon para sa kinabukasan.
Kailan mo bubuksan ang puso at mundong iyong iniikutan sa isang taong handang gawin ang lahat, mapasaya ka lamang.

Kailan?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s