Mapaglarong Pagibig

Mapaglarong Pagibig.jpg

Paano kung isang araw, nagising ka na lang na iba na ang mahal mo?
Yung akala mong kasama mo sa future, eh hindi mo na makita ngayon?
Yung akala mong kayo hanggang dulo, bigla na lang naglaho nang parang isang bula.
Yung forever mo, naging nowhere to be found.

Ngunit, kasabay ng pagmahal mo sa iba ay ang pagpatay na ng tibok ng puso mo para sa kanya.
Paano na ang mga alaalang naipon at napagsamahan.
Na sa bawat galaw mo ay siya ang dati mong inspirasyon ngunit ngayon ay iba na.

Tama pa ba?
Tama pa ba ang mga desisyon na iyong gagawin?
Ang iwan siya para sa taong di mo alam kung may kinabukasan ka.
Na sa ngayon ay isang malabong larawan pa para sayo.
Na wala kang makitang kasiguraduhan kung ang pagmamahal na mayroon siya ay mas higit pa kaysa sayo.
Na ngayong hindi pa kayo ay madami nang hindi pagkakasunduan ang nangyayari.

Ngayon, handa ka bang isakriprisyo ang tatlong taong relasyon na mayroon ka sa taong walang kasiguraduhan?

Kaya niyang bang intindihin lahat ng paguugali na meron ka?
Kaya niya bang sabayan lahat ng gusto mo sa buhay?
O di kaya’y sabayan lahat nang kabaliwan mo?
Kaya niya bang isama ka sa future na gusto niyang buuin?

Ngayon.
Sa lahat nang yan, mag isip ka!
Bago ka bumitaw, isipin mo ang kinabukasan at hindi yung ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s