Kaligayahan Mo

Ikaw ay isang pangarap,
na kailanman’y di ko hinangad,
Ika’y biyaya ng Maykapal,
Na talagang ‘di kapanipaniwala,
Iningata’t pinangalagaan,
Nang tila ba isang musmos pa lamang.

Ngunit sa isang iglap, natapos ang lahat,
Ni hindi alam kung bakit biglang nagwakas
Nagpakatatag at pilit tumayo,
Ngunit tila ba ika’y palayo ng palayo,
Lakas ko ba’y tila di nauubos,
Ngunit parang sigarilyo na bigla na lamang naging upos.

Bukas, sa isang araw, sa isang buwan,
Pag asa’y hindi ako mawawalan!
“Kakayanin ko!”
Yan ang sabi ko,
Ngunit bulong ng puso ko’y
“Sana’y nandito ka pa din sana sa tabi ko.”
Dating pangarap ko na mapa sa iyo,
Ngayo’y naging isang panaginip na malabo.

Punit, wasak, durog at sugatan,
Bakit ba kasi kailangan ikaw pa’y lumisan?
Siguro nga ikaw ay tunay ng masaya,
Masaya sa piling na ng iba,
Ikina bigo man ito ng puso ko,
Alam mo naman basta’t kasiyahan mo, ibibigay ko sa iyo.

-ARVIN PAOLO RAMOS

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s