IKAW

Ikaw ang aking umaga
Na ibinigay sa akin ng tadhana.
Na tuwing masisilayan ko ang iyong mukha,
Ibang kabog ng dibdib at ngiti sa akin ay nililikha.
Ako’y nalulungkot at nahahapo
Tuwing maiisip ko na ika’y naglaho.

Haplos ng iyong kamay
Sana ako’y di mawalay,
Ang iyong mga magagandang ngiti
Na walang kaparis at natatangi
Hindi mawala sa aking utak
Na tila ba ito ay iniukit.

Sana’y nandito ka lang sa aking tabi
At mahagkan ko gabi gabi,
At ang init ng iyong yakap
Ay walang maliw kong mahagkan.
At mula araw hanggang gabi,
Sa puso’t isip ko, ika’y hindi maipagsantabi.

ARVIN PAOLO RAMOS

Kaligayahan Mo

Ikaw ay isang pangarap,
na kailanman’y di ko hinangad,
Ika’y biyaya ng Maykapal,
Na talagang ‘di kapanipaniwala,
Iningata’t pinangalagaan,
Nang tila ba isang musmos pa lamang.

Ngunit sa isang iglap, natapos ang lahat,
Ni hindi alam kung bakit biglang nagwakas
Nagpakatatag at pilit tumayo,
Ngunit tila ba ika’y palayo ng palayo,
Lakas ko ba’y tila di nauubos,
Ngunit parang sigarilyo na bigla na lamang naging upos.

Bukas, sa isang araw, sa isang buwan,
Pag asa’y hindi ako mawawalan!
“Kakayanin ko!”
Yan ang sabi ko,
Ngunit bulong ng puso ko’y
“Sana’y nandito ka pa din sana sa tabi ko.”
Dating pangarap ko na mapa sa iyo,
Ngayo’y naging isang panaginip na malabo.

Punit, wasak, durog at sugatan,
Bakit ba kasi kailangan ikaw pa’y lumisan?
Siguro nga ikaw ay tunay ng masaya,
Masaya sa piling na ng iba,
Ikina bigo man ito ng puso ko,
Alam mo naman basta’t kasiyahan mo, ibibigay ko sa iyo.

-ARVIN PAOLO RAMOS

A Reserved One

a reserved one

He was a reserved man.

A man who choose to be quiet than to express his own opinion.

Who notice everything but no one notice him.

Who knows everyone’s weaknesses and strengths yet he keeps it to himself.

Who considered as a good listener and not a speaker.

Who rather stays calm when he’s in an argument.

Who thinks not only himself but for others.

Who understands every person’s reason out about life.

Who doesn’t share his feelings, thoughts and emotions too easily.

Who patiently waits for her princess at the right time.

No, he’s not playing safe, he’s just taking things so slow.

He’s not a player, he’s just want to spend his time courting the girl he think he deserves.

He’s not shy, he just don’t want to be bold like other men do.

And it’s okay if some girls don’t understand him.

But one day, everything changed

And it’s all because of a GIRL.