Book Review: Disminoriya

dis

 

Author:
Lapis sa Kalye Writers (lapissakalye)
Genre:
• 
Short stories and poems collections
Status:
Published under Lapis sa Kalye
4 smaller

 

 

 

Halina sa mundo ng makabagong Maria Clara.

Sa mundong akala mo’y pamilyar, ngunit malalim ang kinukubling liwanag. Sisirin ang hapdi at kirot at namnamin ang sustansya ng isang anghel at ng isang haliparot.

Narito ang istorya ng iba’t ibang babae, bilang isang kaibigan, anak, ina at minamahal.

Halina sa mundo ng Disminoriya.

 

My Point of View (POV):

Maihahalintulad ang isang dalagang Pilipina sa isang buwanang dalaw. Masakit. Mahapdi. Masalimuot. Sa bawat pagdanak ng dugo sa kanilang ari ay ang panaka-nakang pamimilipit ng isang babae dulot ng pagkakaroon nila.

Ito ang mga salitang tumagos sa puso ko bilang isang babaeng buwan-buwan nararanasan ang salitang Disminoriya. Ngunit hindi ko lubos naisip na itong sakit na buwan-buwang dinaranas ng isang babae ay maaaring maihalintulad sa sakit at hapdi ng buhay nang isang Maria Clara.

Disminoriya..
Paano naihalintulad ng mga manunulat na ito ang salitang ang mga babae lamang ang nakaiintindi sa Modernong Maria Clara ngayon?

Ang sagot?
Mga kwento at iba’t ibang tula na sadyang ipaiintindi sa iyo kung gaano kahirap maging isang Maria Clara sa panahon na mayroon tayo ngayon.

Ngunit bago ang lahat, pagusapan muna natin ang Pabalat nang libro.
Una kong napansin ay ang kulay na sadyang nagpapakita ng kulay ng isang babae, PINK! Na sadya namang tugma sa kung anong nilalaman ng libro.
At ang pangalawa ay ang imahe na sa unay’y nahirapan akong tignan kung ano iyon pero muli kong naintindihan na ganoon talaga ang mga babae. Kailangan mong titigan upang maintindihan at makita ang tunay na ganda.

Tumungo naman tayo sa mga nilalaman nito.
Ito ay isang libro na puno ng mga maiikiling kwento at tula na sadyang ipanapakita at inilalarawan ang pagiging isang Maria Clara. Mga kwentong galing sa iba’t iba mga manunulat na hindi mo mawari kung sila ba’y isang lalaki o babae. Kahanga-hanga ang kalawakan ng kanilang pagiisip sa kasalukuyang mga babae sa makabagong panahon ngayon. Minsan mapapatango ka na lang dahil karamihan sa mga kwento ay katotohanan na sadyang kailangan harapin ng mga babae katulad na lang ng mga taong mapanghusga sa kung anong buhay ang mayroon ka. Mga salitang sadyang napakalalim na binigyan ako ng dahilan upang maghanap ng isang diksyonaryo (Sorry na kase! I’m weak when it terms sa mga deep tagalog words). May mga salitang mukhang nagka-typographical error ngunit hindi naging hadlang iyon upang maunawaan ko ang gusto iparating ng bawat kwento.

Ang masasabi ko lang nang matapos ko ang libro, TAGOS sa puso lahat ng mga salitang binitawan lahat ng mga manunulat.

Paboritong Kwento at Tula:

  • Tiwala Lang
  • Ligaw na Bulalakaw
  • Jabez
  • Sulat
  • Manatili kang si Maria Clara
  • Sambitla ni Magda
  • Pagtwag

KUDOS para sa inyo at lalong lalo na sa mga Modernong Maria Clara!

PS: Thank you so much Dodong Daga for giving me the chance to review this book! 🙂 I’m really looking forward to more book reviews. Sorry na sa chosen tagalog words, sadyang hindi lang ako sanay. 🙂
try1

Advertisements

2 thoughts on “Book Review: Disminoriya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s