Isang araw sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas

Bago ang lahat, hayaan ninyo akong gamitin ang lenggwaheng kinalakihan ko dahilan sa ang pelikulang ibabahagi ko ay galing sa aking bansa.

“Silong”

Ito ang kauna-unahang pelikulang pinanuod ko sa Cinemalaya at nagkataon pang ipalalabas siya sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines). Ito rin ang sinasabi nilang closing film para sa ngayong Cinemalaya.

a
Cinemalaya XI

Alas-nuebe ng gabi ang nakatakdang oras ng palabas ngunit mas minabuti namin na agahan ang pagpunta para ng makapagikot-ikot ang isang baguhan na katulad ko, first-timer nga ika nila.

Namangha ako sa angking kagandahan ng teatro. Mula sa karpet nito hanggang sa mismong balangkas nito. Pero ang pumukaw sa aking atensyon ay ang mismong hagdan nito, simple pero elegante. Isa siyang paikot na hagdan na para bang nasa isa kang palasyo dahil sa lapad at laki nito. Idagdag mo pa ang isang likhang sining na “Pitong Sining” ni Roberto Villanueva na nakapaskil sa isang dingding sa tabi ng hagdan.

b
“Pitong Sining” (1990) ni Villanueva

Alas-sais ng gabi. Masyado pang maaga kaya naisipan naming puntahan ang isang galerya sa pangatlong palapag ng gusali. Ito ay ang eksibit para sa isa rin kilalang pintor, si Ben Cabrera o mas kilalang BenCab. Sa pag-iikot ko sa Bulwagang Juan Luna, napansin ko na karamihan sa kanyang gawa ay naka sentro sa mga babae. Nakakatuwang isipi na ang isang lalaking tulad niya ay pinapahalagahan ang kagandahan ang kahalagahan ng isang babae.

dg

c
Kuha sa loob ng Bulwagang Juan Luna

Alas-otso, isang oras bago ang palabas. Puno na ang pasukan ng tanghalan at madami na rin akong naririnig na sigawan, marahil may mga artistang naglipana sa loob. Nakipagkita muna ako sa kaibigan ko at kumuha ng ilang litrato. Oras na para pumasok sa mismong teatro bago pa magkaubusan ng upuan.

e

Lobby 2 (free seating). Iyan ang nakasulat sa mismong ticket namin.

Ang tarik syete! Iyan naman ang una kong nasabi sa oras na pumasok kami sa tanghalan. Hindi namin inakala na ganun ka-tarik ang mismong lugar na sinasabi nilang lobby 2. Na kahit sa hagdanan ay kailangan mong tantyahindahil baka mapatapilok ka. Nung una, ang kasama ko lang ang nakakaramdam nang pagkalula pero lumipas ang ilang minuto, sumasakit na rin ang aking ulo at mukhang hindi maganda yun. Manatili sa upuan ang kaisa-isa kong ginawa para lang mawala ang pagkahilo ko. Unti-unting nawala at salamat, nakapag-adjust na rin ang pakiramdam ko.

Full house na maituturing ang teatro dahil sa sobrang dami nang gusto manuod. Halo-halo ang edad ng mga taong nasa loob, may mga estudyante na hindi ko alam kung kagustuhan talaga nilang manuod o napilitan lang dahil kailangan sa eskwelahan. Syempre, hindi rin mawawala ang mga fans nila Piolo at Rhian na handang suportahan ang pelikula. Naroon din ang mga taong nilaan na ang araw para sa Cinemalaya na itinuturing kong mga anak ng bayan dahil sa pagsilbi nila sa bayan.

Ako? Anong ginagawa ko roon? Ako ay isang simpleng tao na gusto alamin ang pelikulang Pilipino at matutunan itong ipagmalaki at mahalin. Pwede na ba yun?

Bago magsimula ang naturang pelikula, isang maikling pagpapakilala ang naganap na sinimulan sa pagtugtog ng pambansang awit ng pilipinas. Sinundan na ito ng pagpapakila sa mga pangunahing tao sa likod ng pelikula.

Silong
Official Poster

Una na rito ay ang direkto na sina Roy Sevilla Ho at Jeffrey Hidalgo na isa ring artista. Sinundan nang mga taong bumubuo ng produksyon. At ang pinaka huli, ang mga artistang gumanap sa likod ni Miguel at Valerie na sina Piolo Pascual at Rhian Ramos.

Isang masigabong palakpak ang naghudyat sa pagsisimula ng pelikula. Sigawan ang una kong narinig sa pagsimula ng pelikula. Nakaramdam ako ng pagkainis at mabuti na rin dahil may mga taong pinatahimik sila.

Sa simula ng kwento, wala akong kaalam alam kung anong genre ng pelikula ito dahil maging ang trailer nun ay hindi ko napanuod. Oo, tama! Hindi ko napanuod sa kadahilanan na ako ay isinama dito bilang isang maagang regalo para sa kaarawan ko. Ngunit naging maganda naman ang resulta noon sa akin. Bakit? Dahil sa bawat eksena, yung utak ko ay nagiisip. Ako yung tipo ng tao na mahilig pangunahan ang mga susunod na pangyayari lalo na sa isang pelikula pero noong oras nayun, nahirapan ako. Sa una, naisip ko na isa iyong katatakutan ngunit sa isang banda, naging romansa siya kaya dumating sa punto na hinayaan kong lamunin ako ng mismong pelikula. Expect the unexpected ika nga nila at doon kusang lumabas yung ganda ng istorya. Masasabi kong hindi ako nagsisi na pumasok ako sa teatrong yun at panuorin ang pelikula. Kahit may mga parte na boring, nahugot ng pinaka highlight ng istorya lahatng pagkukulang. Kailangan mong mapanuod simula hanggang dulo dahil ito ay puno ng twists. Thriller, suspense at romance ang masasabi kong genre sa pelikulang ito.

Pero teka, huwag nating kalimutan ng gumanap sa mga bida.

Miguel

Piolo Pascual, siya ay isang doktor na nagngangalang Miguel. Isang doktor na ayaw iwanan ang bahay kung saan sila nakatira dati ng kanyang asawang si Cora.

Dahil sa mga pelikulang napanuod ko, alam ko kung gaano kagaling si Piolo pagdating sa mga eksena pero hindi ko inaasahan ang isang ito.

Valerie

Rhian Ramos, ginampan si Valerie na tinakasan ang asawang pulis dahil minamaltrato siya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapanuod ko siya on screen. Madami akong pagdududa sa pag-arte niya ngunit ako ay biglang namangha sa iba’t ibang klaseng ugali na pinakita niya. Masasabi kong isa akong naging instant fan niya.

Ngunit sa isang banda, ang mga karakter ay hindi pa ganoon kabuo. Magtatanong ka kung bakit naging ganoon si Valerie at si Miguel. Maitutring ko siyang isang short film kahit tumagal siya ng isang oras dahilan sa hindi pa gaano katibay ang karakter ng bawat isa.

Sa kabuuan ng pelikula, hindi ko namalayan na pati ako ay apektado sa mga nangyayari on screen. Napamangha ako ng mismong plot ng istorya. Hindi ko akalain na kaya ng mga direktor na Pilipino na makagawa ng ganoong istorya. Pasensya, masyado kong namaliit ang kakayahaan ng mga direktor na mga Pilipino ngunit ng dahil dito, isa na sila sa mga tinitingala ko.

Natapos ang pelikula sa isang masigabong palakpalan na tunay namang karapat-dapat nilang matanggap.

Inaasahan ko na sana ay maisama siya sa mainscreen kasama ng iba pang mga pelikulang Pilipino.

Muli akong maghihintay sa susunod na Cinemalaya.

f

try1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s